Friday, March 1, 2013

Kahapon Lang

Kailan mo huling namasdan
Ang tutubing dumadapo
Sa munting damong luntian?

Kailan mo huling naamoy
Halimuyak ng bulaklak
At basang lupang sumimoy?

Kailan mo huling nadama
Ihip at lambing ng hangin
Nang walang inaalala?